School breaks worsen financial struggles for single-parent families in Japan

Humigit-kumulang 60% ng mga single-parent na pamilyang mababa ang kita sa Japan ang nahaharap sa mas matinding problemang pinansyal tuwing bakasyon sa paaralan, kapag walang libreng pagkain mula sa paaralan. Ito ang ipinakita sa pinakahuling survey ng nonprofit organization na Good Neighbors Japan.
Isinagawa ang survey online mula Hunyo 3 hanggang 11, at tinipon ang humigit-kumulang 2,100 valid na tugon mula sa mga gumagamit ng kanilang serbisyong pamamahagi ng pagkain para sa mga pamilyang may isang magulang.
Ayon sa resulta, 61.3% ng mga tumugon ang nagsabing “labis na mas mahirap” ang kanilang kalagayang pinansyal tuwing bakasyon, habang 36.4% naman ang nagsabing “bahagyang mas mahirap.” Natuklasan din sa pag-aaral na 32.2% ng mga bata sa mga pamilyang ito ay kumakain ng dalawang beses sa isang araw o mas kaunti pa tuwing bakasyon — 2.5 na beses na mas mataas kaysa sa karaniwang araw.
Source: Jiji Press
