Crime

School invasion in Tokyo leaves five teachers injured

Dalawang lalaki ang pumasok sa Daisan Municipal Elementary School sa Tachikawa, Tokyo, nitong Huwebes ng umaga (ika-8), at nasugatan ang limang guro, ayon sa Metropolitan Police. Walang estudyanteng nasaktan.

Binbasag ng mga salarin ang bintana ng faculty room sa unang palapag at nakapasok pa sa isang silid-aralan sa ikalawang palapag, kung saan naroon ang isang estudyante sa ikalawang baitang.

Naaresto sa loob ng gusali ang dalawang suspek at sinampahan ng kasong pananakit. Ayon sa paunang imbestigasyon, may kaugnayan umano sila sa isa sa mga magulang ng mga mag-aaral.

Matatagpuan ang paaralan sa isang residential area, humigit-kumulang 800 metro mula sa JR Tachikawa Station. Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang motibo ng pag-atake.

Source / Larawan: Yomiuri Shimbun

To Top