School stress: Over 7,000 teachers on leave
Mahigit 7,000 guro sa pampublikong paaralan sa Japan ang pansamantalang huminto sa trabaho dahil sa mga isyu sa kalusugang pangkaisipan noong school year 2024, ayon sa Ministry of Education. Umabot sa 7,087 ang kabuuang bilang — bahagyang bumaba ng 32 kumpara sa nakaraang taon, ngunit nananatiling lampas sa 7,000 sa ikalawang sunod na taon.
Saklaw ng survey ang mga guro sa elementarya, sekondarya, tersiyarya at mga espesyal na paaralan, batay sa datos mula sa 47 prefecture at 20 malalaking lungsod. Ang porsiyento ng mga guro na naka-leave ay nanatili sa 0.77% ng kabuuang 922,776 guro.
Ang pangunahing dahilan ng pagliban ay student guidance (26.5%), interpersonal relationships sa trabaho (23.2%) at mga gawaing administratibo (12.7%). Bagama’t 0.5% lamang ang tumukoy sa mahabang oras ng trabaho, iginiit ng ministeryo ang pangangailangang bawasan ang labis na workload.
Halos kalahati ng mga guro na nag-leave ay may mas mababa sa dalawang taon sa paaralan, na nagpapahiwatig ng kahirapan sa pag-angkop. Bukod dito, 1,283 guro ang muling nag-leave sa loob ng isang taon, na ikinababahala sa gitna ng kakulangan ng mga guro.
Source: Mainichi / Larawan: Illustrative


















