Ang pagkakaroon ng isang kakaiba at makabagong source of energy ay isang biyayang dapat nating lubos na pasalamatan sa Maykapal. Sa Japan, ang mga siyentipiko ay nakaimbento ng isang kagilagilalas na source of energy mula sa seaweeds. Ito ay isang matamis na bunga ng biomass fermentation system na gumagamit ng dredged seaweed mula sa pampang upang makagawa ng fuel para sa isang modernong uri ng elektrisidad.
Ayon sa mga pag-aaral, ang seaweed ay isa sa mga di nabibigyan ng pansin na source of biomass. Matapos ang mahabang taon ng pagsasaliksik, ang research study na ito ay natapos noong March 2007.
Seaweed Bilang Biomass
Sa Japan, ang sariwang seaweed ay pangkaraniwang kinakain at isinasangkap sa mga pagkaing tulad ng sushi at miso soup. Ngunit dahil sa kakayahan nito as a carbon dioxide absorber, ito ay magiging isang mabisang panlaban sa lumalalang suliranin ng global warming. Dahil dito, nagsanib puwersa ang Tokyo Gas Company at New Energy and Industrial Technological Development Organization (NEDO) noong 2002 para sa kanilang biomass energy project. May isang modernong test facility ang itinayo sa Yokohama ang ginawa upang durugin ang maraming seaweeds para maging sludge-like.
Ang semi-liquid material naman ng seaweeds ay dudurugin ng mga microorganisms. Matapos ang prosesong ito, ang mga organismo ay magiging methane gas na sa kalauna’y ico-convert into fuel para sa gas engine na may tungkuling lumikha ng elektrisidad.
Ang mga ganitong planta ay gumamit ng isang toneladang seaweeds bawat araw. Ito ay makakagagawa ng humigit kumulang 100 kiloliters ng methane gas. Upang matamo ang inaasahang electricity output, ito ay hinahaluan ng natural gas at ginawang sampung kilowatts ng elektrsidad bawat oras.
Sa kasalukuyan, ang seaweed electricity of Japan ay sapat upang serbisyuhan ang dalawampung kabahayan at mga tanggapan sa Japan.
Images from http://s.wsj.net and http://web-japan.org