General

“Second wave outbreak” sa China, nagmula umano sa Beijing

Isang outbreak ang muling naganap sa China, na kung saan akala ng lahat ay tapos na ang laban nila sa pandemya at cleared na. May mga usap-usapan na ito raw ay dahil sa “sashimi”. Nagmula ang outbreak sa pinakamalaking wholesale market. Ang alerto para sa second wave sa muling pagsilab ng coronavirus ay tumataas sa China. Sa katunayan, noong nakaraang Huwebes lamang nakumpirma ang isang kaso ng positibo makalipas ang 57 na araw.

Ayon sa Chinese government health authorities, 36 ma bagong kaso ang nakumpirma noong ika-15 ng June, at pumalo sa 79 na kaso lahat ang kabuuan kasama na ang naitala ngayong araw. Inaasahan nilang tataas pa ang bilang ng mga kaso ng mahahawahan sa mga susunod na araw, dahil hindi kasama sa iniulat na bilang ang kaso ng mga “asymptomatic” na tao. Nasa “emergency stage” na ang Beijing at nasa 76,000 katao ang sumailalim sa PCR test sa loob ng 14 na araw.

Dahil sa pangyayari inaasahan na maaapektuhan na namang muli ang economic activity, sa isang  Japanese restaurant sa Beijing, apektado sila dahl sa lumabas na usap usapang nanggaling umano ang virus sa isang chopping board na ginamit para sa mga isdang salmon .

ayon sa pahayag ng isang customer matapos siyang hainan ng isang dish na may salmon. ” Ayuko kumain nyan kasi may salmon na kasama.” Patunay na mabilis kumalat ang agam-agam at pagdududa sa mga citizens dahil sa mga rumors na lumalabas sa muling pagsiklab ng virus sa lugar.

 

https://youtu.be/tpV-ihFgw1g

Source: ANN News

To Top