General

Seguridad at Kaligtasan – Haneda Airport at Japan Airlines

japan airlines

Ang mga tinaguriang busiest airports in Japan ay may humigit kumulang limampung paliparan sa kabuuan. Ayon sa isang pag-aaral, ang kasalukuyang pagkakasunod nito ay naaayon sa pangkahalatang bilang ng pasahero, estadistika na may kinalaman sa galaw ng mga eroplano at kargo sa isang paliparan. Ito ay nagmumula sa Department of Land, Infrastructure, Transport and Tourism.

 

Haneda Airport

Ang  Haneda Airport ang pinakatanyag na paliparan sa  Japan. Ito rin ang isa sa mga pangunahing airports na nag aasikaso sa mga pasahero ng Greater Tokyo Area.

-Sa kabuuan, ito rin ang pinakapangunahing base ng dalawa sa pinakamagagandang paliparang pang-domestiko ng bansang Japan. Noong taong 1978, ang Haneda Airport ang siyang sentrong paliparan ng mga Hapones.  Dahil dito, mahalagang malaman ng mga turista kung paano nito pinangangalagaan ang kanilang seguridad at kaligtasan sa paglipas ng maraming panahon.

 

Mga Pangunahing Security Guidelines sa Haneda Airport

Ang mga sumusunod na polisiya ukol sa airport security and safety guidelines ng Haneda Airport ay makakatulong upang ang mga pasahero ay manatiling masaya at ligtas sa anumang panahon na naisin nilang maglakbay. Basahin at alamin kung paano napapangalagaan ng bansang Japan ang pagiging tanyag sa larangan ng pandaigdigang turismo.

  • Pagkakaroon ng check-in luggage inspections na pinangangasiwaan ng mga magagaling na airline staff sa oras ng check-in time. Ang madali at kritikal na prosesong ito ay ginaganap sa tinatawag na International Passenger Terminal. Dito, ang mga bagahe ay kinukuha mula sa mga manlalakbay at nagsasaggawa ang mga kawani nito ng X-ray scan. Kasunod nito ang isang metikolosong inspeksiyon ng mga bagahe.
  • Bawal ang pagdadala ng mga ito sa loob ng eroplano – kutsilyo, golf clubs at iba pang mga bagay na maaaring gamitin bilang sandata.
  • Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagdadala ng mga compressed gases, sumasabog na likido, mga nakakalasong kemikal flammable solids, radioactive materials.

 Ang ibang mga airport at may kahalintulad ding mga batas.

 

Safety and Security Guidelines of Japan Airlines

Sa kabilang dako, ang JAL or Japan Airlines ay may mga kaukulan ring mga polisiya bago ang inyong mabungang paglalakbay saan mang panig ng Japan o karatig bansa nito. Sa kanilang security checkpoint area, ang isang pasahero ay dapat dumating sa nasabing lugar 15 minutes bago ang departure. Bilang karagdagan, ito ang mga dapat ninyong tandaan bago sumakay ng eroplano ng Japan Airlines:

  1. Hindi dapat lumagpas sa 20 kilograms ang kabuuang timbang ng inyong bagahe. Ngunit, wala naman takdang bilang ng mga bags ang maaaring dalhin ng isang pasahero. Siguruhin lamang na ito ay may magkakatulad na timbang.
  2. Sa first-class na eroplano, pinahihintulutang magdala ng mga bagahe ang bawat pasahero na hindi hihigit sa 45 kilograms.
  3. Ang mga ito ay di dapat isama sa checked baggage – salapi, alahas, mamahaling metal, artworks, antiques at iba pa.
  4. Patayin ang mga electronic gadgets na nakalagay sa inyong hand carry bago sumakay ng eroplano.
  5. Maaari ninyong isama ang inyong alagang hayop tulad ng pusa, aso at maliliit na ibon. Ngunit and mga ito ay may karampatang kabayaran.

Ang paglalakbay ay isang napakainam na alternatibo upang tayo ay maging buo muli bilang isang tao. Kaya’t ito ay isang biyayang maituturing na lubos nating dapat pasalamatan lalo’t higit ang mga panuntunan ng mga primyadong airline at airport ng Japan. Ito ang matitibay na moog ng isang progresibong ekomiya at turismo ng Japan magpakailanman.

image credit: Simon Clancy/Flickr

To Top