Ang mga Hapones ay marami ring hinaharap na pagsubok ukol sa kanilang marriage. Isa na rito, ang lehitimong mga pamamaraan sa mga grounds ng paghahain ng divorce in Japan. Ayon sa mga eksperto, hindi pinapayagang maghain ng divorce ang isang mag-asawa sa Japanese Embassy ng ibang bansa kahit na sila ay magkahiwalay na ng ilang taon o higit pa. Halimbawa, kung ang inyong asawa ay isang Hapon at may address sa nasabing bansa, ang mga korte na nasasakupan nito ay may jurisdiction ukol sa nasabing kasal. Upang matupad ang divorce petition sa bansang ito, dapat ito ay napapaloob sa isang agreement ng parehong partido,
How to File a Petition for Divorce in Japan
Sa paghahain ng petition for divorce, kung ito ay may pahintulot ng lalaki, dapat magpasa ng divorce papers na mayroong mga seals. Kung di naman Hapon ang iyong asawa, isang pirma lamang ang kailangan upang makapaghain ng diborsiyo. Samantala, ang nasasakupang municipal’s office ang siya lamang may karapatang mag-legalize ng divorce sa Japan.
Paano naman kung ang isang petitioner ay foreign national? Narito ang mga dapat ninyong gawin.
Foreign Nationals and Japan’s Divorce Laws
Nararapat na alamin ng isang foreign national kung mayroong batas ang kanilang bansa ukol sa divorce by mutual consent. Kung wala, ang ganitong uri ng diborsiyo ay di kikilalanin sa Japan. Pangalawa, kung walang court involvement, ang divorce petition ay di maisasakatuparan kahit na ito ay may pahintulot ng isang Japanese spouse.
Mediation and Litigation Procedures
Kung sakaling di pumayag ang isang partido sa diborsiyo, ang kabilang partido ay maaaring humingi ng mediation sa isang family court kung saan maaaring magkaroon ng amicable settlement para sa mga kundisyon ukol sa paghahain ng divorce. Ito ay gaganapin sa isang korte kung saan ang court jurisdiction ay ang address ng isang Japanese partner.
Ang unang hakbang sa paghahain ng diborsiyo sa Japan ay ang mediation process na tumatagal mula three to six months. Kung ang bawat partido ay di pa rin magkasundo, magkakaroon na litigation procedure na kung saan dapat patunayan ng isang plaintiff na karapat dapat ang isang diborsiyo.