September brings 4,500 price hikes
By
Posted on
Sa Setyembre, humigit-kumulang 4,500 produktong pagkain ang tataas ang presyo sa Japan, ang pinakamalaking bilang ng price hikes ngayong 2026, ayon sa Teikoku Databank. Kabilang dito ang keso, mantikilya, soy sauce at iba pang seasonings.
Samantala, may ilang produktong bumaba ang presyo. Sa Kitene Food Hall Tsukisamu sa Sapporo, halos 50% ang ibinaba ng presyo ng chicken thighs mula Brazil matapos bumawi ang supply ng imports.
Mas mura rin nang 30% hanggang 40% ang patatas, sibuyas at carrot kumpara noong nakaraang taon dahil sa magandang ani. Patuloy ding bumababa ang presyo ng bigas at inaasahang magkakaroon pa ng karagdagang pagbaba.
Source: HTB News
