Sharp Kokoro Store: Nagumpisa nang magbenta ng mask sa halagang 3278yen/ 1 box of 50 pieces
Noong ika-21, inihayag ng Sharp na hindi ito maka-access sa kanilang online direct selling site na “Sharp Kokoro Store” na nagsimulang magbenta ng mga mask na sarili nilang brand. Tila ang pag-access para sa mga nais bumili ng mask ay dagsa.
Upang maibsan ang kakapusan ng mga mask sa buong bansa, sinimulan ang paggawa ng mask noong Marso sa pabrika ng Sharp sa Mie na gumagawa ng mga liquid crystal displays (Taki Town, Mie Prefecture). Sinimulan ang pagbebenta ng 50 piraso bawat kahon (halagang 3278 yen kabilang ang buwis, 660 yen nang hiwalay para sa pagpapadala) para sa mga general consumers mula 10:00 ng umaga noong ika-21, at nagtayo ng mga hakbang upang maiwasan ang labis na pagbili, tulad ng paglilimita sa pagbili sa isa kahon nang sabay-sabay,, Mukhang maraming mga tao ang gustong bumili kaysa sa inaasahan. Sinisiyasat ng kumpanya ang detalyadong sanhi ng pagkawala ng site.
Source: Youtube, Mainichi
Image credits to the original uploader on google