General

Shizuoka: Iwata relaxes garbage collection rules amid supply shortage

Umabot na sa pang-araw-araw na buhay sa Japan ang krisis sa Middle East. Sa lungsod ng Iwata, sa Shizuoka Prefecture, nagkaroon ng kakulangan sa official garbage bags matapos maapektuhan ang suplay ng naphtha mula sa Iran, isang mahalagang materyal sa paggawa ng mga plastic bag.

Dahil sa kakulangan, nagkaroon ng panic buying sa mga tindahan noong unang bahagi ng Mayo at mabilis na naubos ang mga stock sa mga estante. Bilang emergency measure, inanunsyo ng city government na mula Mayo 15 hanggang Hunyo 30, papayagan ang mga residente na gumamit ng ordinaryong garbage bags basta’t transparent o semi-transparent at may kapasidad na 6 hanggang 45 litro para sa combustible waste.

Kinakailangan ding lagyan ng label ang mga bag na nagsasaad ng uri ng basura, pangalan ng distrito, at pangalan ng residente. Ipinagbawal naman ang paggamit ng itim na bag, paper bags, at mga bag na hindi maaaring itali. Nanawagan ang lokal na pamahalaan sa publiko na iwasan ang labis na pagbili at tiniyak na inaasahang babalik sa normal ang suplay sa lalong madaling panahon.

Source: Shizuoka Asahi TV

To Top