Shizuoka Man Hit by Massive Phone Scam
By
Posted on
Isang 80-anyos na lalaki sa Shimada, Shizuoka, ang nawalan ng kabuuang ¥48 milyon matapos mabiktima ng phone scam mula Pebrero hanggang Marso 2026.
Ayon sa pulisya, nagpanggap ang mga suspek bilang mga postal worker at police officer. Sinabi umano nila na may problema sa isang package na ipinadala sa Pilipinas at may perang mula sa panloloko na nailipat sa account ng biktima.
Dahil naniwala, ilang beses na nagpadala ng pera ang lalaki sa itinurong account. Paalala ng pulisya: hindi kailanman humihingi ang mga opisyal ng police ng bank transfer at dapat kumonsulta agad sa pamilya o awtoridad kapag may kahina-hinalang tawag.
SOURCE: DAIICHI TV / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
