Shizuoka sizzles above 30°C
By
Posted on
Hindi pangkaraniwang init ang naranasan sa Shizuoka noong Martes, ika-6, na may temperaturang 3°C hanggang 6°C na mas mataas sa karaniwan. Umabot sa 31.8°C ang Tenryu Ward sa Hamamatsu—pinakamataas sa buong Japan. Nagtala naman ang Fuji ng 30.2°C at ang Suruga Ward sa Shizuoka City ng 30.1°C.
Dahil sa mala-tag-init na panahon, ipinagpaliban ng mga residente ang pagsusuot ng damit para sa taglagas. Sa isang coffee shop, bumaba nang higit sa kalahati ang order ng maiinit na inumin, habang mabenta ang shakes at iced latte.
Dinagsa rin ng mga turista ang Atami Sun Beach. Sa Hamamatsu Flower Park, nagbigay-ginhawa ang tuyong hangin habang namumulaklak ang 300 uri ng rosas.
SOURCE: Daiichi Tv / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
