Culture

Shokuiku Act for a Healthy Nation

Shokuiku Act

Ang isang maunlad na bansa tulad ng Japan ay nagkaroon ng mga agarang pagbabago matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa mga panahong iyon, ang kanilang pamahalaan ay naglatag ng mga reporma ukol sa pagkain. Kasama na rito ang pagbibigay ng mga pagkaing kinakailangan upang bumalik ang sigla at lakas ng mga mamamayan pati na rin ang kanilang tumamlay at bagsak na ekonomiya sa pamamagitan ng kanilang general headquarters (GHQ).

Ang mga makabuluhang hakbang na ito ay ibinatay sa isang dietary survey. Ayon sa kanilang masusing pag-aaral, ang rice intake percentage ay tumaas noong kasagsagan ng digmaan. Sa kabilang dako, ang tinatawag na intake ng protina at matatabang pagkain ay lubhang tumaas.

 

Shokuiku Act

Samantala, ang kanilang traditional diet ay kaakibat ng mga sumusunod na mga pangunahing dahilan: buhay, kalagayan sa lipunan, regional culture and historical change. Ang makulay at maimpluwensiyang food culture ng Japan ay may layuning iproseso ang mga pagkaing mabibili agad upang mabuhay sa araw-araw. Ang Japan ay nagpasa ng isang universal law upang lalo pang mapalawig at mapatatag ang kanilang food security. Ito ay ang Shokuiku Act.

Ayon sa batas na ito, ang gobyerno at ang mga piling miyembro ng Shokuiko Promotion Council ay bubuo ng mga  alituntunin ukol sa local production, local consumption policy. Sa preamble ng batas na ito, nakasaad ang patungkol sa pagpapalaganap ng good physical and mental health bilang responsibilidad ng lahat.

Nakapaloob rin sa batas na ito ang programang school lunch and diet and nutrition teacher system para sa kanilang MEXT o Ministry of Education, Culture, Sports, Science & Technology. Sa kalaunan, ito ay lalo pang pinalawak sa pamamagitan ng isang proyekto na kung tawagin ay Japan Healthy 21.

Bilang karagdagan, ang bawat paaralan ay mayroong mga registered dietician at teacher. Ang pangunahing layunin nito ay makapagbigay ng kaalaman sa mga bata ukol sa usaping nutrition education sa pammagitan ng school lunch system ng bansa.

To Top