General

Side effects ng covid vaccine, labis na ipinagaalala ng mga mamayan sa Japan

Ang bilang ng mga infected na tao sa buong mundo ay lampas na sa 100 Million. Paano natin maisusulong ang pagbabakuna sa mas lalong madaling panahon? Isa ito sa mga ipinaliwanag sa isang panayam kay Professor Takashi Nakano ng Kawasaki Medical School, na isa ring miyembro ng government’s vaccine subcommittee. Kung tungkol sa usapin ukol sa mga posibleng side effects ng bakuna, ang US Centers for Disease Control and Prevention ( CDC ) ay nagreport na ang Pfizer vaccine ay nagdulot ng biglaang anaphylactic shock sa 11.1 katao bawat 1 milyong populasyon. Subalit, ayon sa CDC reports, ” ang bilang ng side effect occurence ay mababa. Mayroon namang mga nakahandang pangontra para dito kung saka-sakali. Kung iisipin ang panganib ng new corona, sapat na ang resulta kung epektibo nga ba ang mga covid vaccines sa ngayon.”

Sa isang panayam kay Dr. Takashi Nakano, isa- isa nitong sinagot ang mga katanungan ng reporter.

(Q: Ang effectivity ng Pfizer ay nasa 95%, gaanu nga ba kataas nga ba ito dapat?)

Dr. Takashi Nakano: “95% effectiveness ay nagpapakita na ng mataas na porsyento kung gaano nga ba ito kaepektibo. Ang sinuman na mababakunahan ay may 20 times na tyansa na hindi magkasakit ng covid  kaysa sa mga hindi nabakunahan ngunit hindi natin matitiyak kung hanggang kailan ang itatagal nito.”

(Q: Ano ang mga posibilidad na side effect nito maliban sa severe allergic reaction o anaphylaxis?)

Dr. Takashi Nakano: Ang pinagtusukan ng bakuna ay maaring mamaga,pumula o sumakit. At ang mga ito ay may mga report sa clinical trials pa lamang. Sa aking palagay ang bakuna ay higit na mas malakas kaysa sa ordinaryong bakuna. Ngunit agarang mawawala rin ito makalipas ang ilang araw or linggo. May mga naireport man na adverse effect sa ilang libong kaso ngunit hindi naman sa puntong life-threathening ito.

( Q: Maraming tao ang nagiisip pa rin kung sila ay magpapabakuna dahil sa takot nila sa mga bali-balitang side-effects, ano sa tingin nyo ang kinakailangan upang makumbinsi ang karamihan dito?)

Dr. Takashi Nakano: Kailangan ng komunikasyon para dito, Sa aking palagay importante na maintindihan ng bawat isa ang mga posibleng mangyari sa hinaharap, at kung anu ang positibong epekto ng pagpapabakuna. Kung may mga katanungan ang lahat, sisikapin naming masagot ang lahat at makapagbigay ng sapat na impormasyon. Kung makikita ninyo sa website ng Okayama prefecture, malapit ng umpisahan ang bakuna sa mga medical staff, nagumpisa na kaming magbigay ng impormasyon para sa paghahanda dito.

https://youtu.be/w48OLAgrvnM

Source: ANN NEWS

 

To Top