General

Sintomas ng Pneumonia

Alamin ang Sintomas ng Pneumonia
Payo ni Doc Willie Ong

Ang pneumonia ay impeksyon sa air sacs ng ating mga baga. Maaaring mapuno ng tubig o nana ang baga na magdudulot ng pag-ubo na may kasamang plema o nana. Makakaranas din ng lagnat, chills at hirap sa paghinga. Maaaring maging mild lang ang pneumonia ngunit kapag napabayaan ay maaaring magign life-threatening at nakakamatay lalo na sa mga sanggol, bata, matatanda na edad 65 pataas at mga taong may mahinang immune system.

Senyales at Sintomas
1. Pananakit na dibdib kapag humihinga o umuubo
2. Nalilito o nagbabago ang mental awareness
3. Ubo na may kasamang plema
4. Laging pago
5. Nilalagnat, nagpapawis at nilalamig
6. Nahihilo, nagsusuka o nagtatae
7. Hirap huminga

Kapag nakaranas ng mga sintomas at senyales na nabanggit, siguruhin na pumunta sa inyong mga doktor. Kapag hindi naagapan ang pneumonia, maaaring mauwi ito sa bactermia o pagkakaroon ng bacteria sa dugo na nagdudulot ng organ failure. Maaaring magdulot din ito ng hirap sa paghinga kaya magkukulang sa oxygen sa katawan at kakailanganin mahospital upang magamot ito. Maaari ring magkaroon ng pleural effusion o pagkakaroon ng tubig sa baga o nana.
Para maiwasan ang pneumonia, magpabakuna laban sa pneumonia at flu, panatilihin ang pagiging malinis sa katawan, iwasan ang manigarilyo, matulog ng sapat, mag-ehersisyo at kumain ng masusustansyang pagkain upang mapalakas ang resistensya.

Source: Doc Willie Ong Facebook Page

Sintomas ng Pneumonia
To Top