Oily ba ang iyong mukha? Madali kang tubuan ng taghiyawat at nais mong maging makinis ang iyong kutis? Ano nga ba ang ilan sa mga sikreto upang kutis ay maging kutis artista kahit di ka na magpunta sa derma? Narito ang ilang skin care tips for oily skin.
Tamang Paghuhugas ng Mukha
Iwasang hugasan ang mukha ng sobra-sobra dahil sa labis na paghuhugas nito ay maaring naming maging dry ang iyong mukha. Ang dry skin ay prone sa mga wrinkles. Ang oily skin ay prone naman sa mga pimples at worse, acne.
Hugasan ang mukha ng maligamgam na tubig lamang dahil pag sobrang init ng tubig ay nakakairita sa mukha na maaari ding pagmulan ng pimples o acne.
Diet at Lifestyle
Baguhin ang diet at lifestyle. Kung kaya mong maiwasan na maghugas ng mukha ng sobra-sobra at panatiliin ang paggamit ng mainit na tubig, ngayon naman ay kailangan mong maging mapili sa mga pagkaing iyong kakainin. Dapat ay iwasan ang mga processed foods. Sa halip ay damihan ang pagkain ng mga gulay at prutas na magdudulot ng magandang kutis. Baguhin din ang iyong lifestyle. Mainam na mag-ehersisyo araw araw, magpaaraw sa umaga at magkaroon ng 8 hanggang 10 oras na tulog. Iwasang magpuyat dahil ito ay nakaka-stress sa ating balat.
Moisturizer, Egg Yolk, at Yogurt
Kung ikaw ay gumagamit ng moisturizer, panahon na para ito ay ihinto dahil para sa mga may dry skin lang ang moisturizer.
Maari din gamitin ang puti ng itlog dahil ito ang nakakapag-alis ng sobrang oil sa ating mukha. Gawin ito ng 2 beses sa isang linggo at mapapansin ang pagkabawas ng oily skin.
Gumamit ng yogurt sa mukha dahil sa ito ay may lactic acid na sumisipsip sa oil. Isang kutsarita lang ng yogurt ang kailangang ipahid sa mukha sa loob ng 15 minuto. Pagkatapos ay banlawan mo na ito. Gawin ito araw-araw para sa magandang resulta.
Mayroon din ba kayong mga skin care tips for oily skin? Share nyo na below this post!
image credit: pixabay.com