May posibilidad na mawala na ang mga Bank cards!
I-enter lamang ang halaga ng gustong i-withdraw sa inyong bank account, basahin ang QR code at i-input ang password.
At ready na! Ang pera nyo ay magiging available na sa ATM.
Ang bagong bank transaction ay magiging available na sa 27th ng buwan na ito para sa mga may bank account sa Jibun Ginko. Ito ay magiging posible na magamit sa ATMs ng Seven Eleven convenience stores sa buong Japan. Ikumpara sa card, may mas madaming improvements sa security policy para maiwasan ang madaling pag-access ng third parties. Ang ibang mga banko ay may plano din magdeploy ng bagong sistema na ito.
Source: ANN News