Sa House speakership
MANILA, Philippines — Hati ang paniniwala ng mga kongresista kung sino ang masusunod sa pagitan ni Pangulong Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte pagdating sa pagpili ng Speaker sa darating na 18th Congress.
Ayon kay Caloocan City Rep. Edgar Erice, ang magdedesisyon pagdating sa speakership ay si Pangulong Duterte.
Giit naman ni Buhay Rep. Lito Atienza, na inaasahan niya na matinding hamon ang kakaharapin ng Pangulo sa kanyang anak na siyang nagmaniobra umano sa pagpapatalsik kay dating Speaker Pantaleon Alvarez at siya ring pumili ng papalit dito.
Ganito rin ang pagtingin ni House Minority Leader and Quezon Rep. Danilo Suarez at sinabing ang endorsement ni Mayor Sara sa speakership ni dating Leyte Rep. Martin Romualdez ay mas makakakuha ng suporta mula sa Kamara.
Bukod kay Romualdez, inaasahang makakalaban niya sa Speakership si Alvarez, dating Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, dating Vice President Jejomar Binay, San Juan City Rep. Ronaldo Zamora, Cavite Rep. Alex Advincula, Cavite Rep. Bambol Tolentino, Malabon Rep. Ricky Sandoval, at Leyte Rep. Lucy Torres.
Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/03/25/1904286/undefined#CvyYqQDT6WMsVySL.99