South Korea, Ipinahinto ang Proseso ng Reklamo sa Kalakalan Laban sa Japan sa WTO
Ibinunyag ng gobyerno ng South Korea ang mga planong ihinto ang proseso ng reklamo nito sa World Trade Organization laban sa Japan habang nagpapatuloy ang mga talakayan sa mga export restriction ng Japan.
Inihayag ng industry ministry ng South Korea nitong Lunes na sumang-ayon ang Seoul at Tokyo na magsagawa ng bilateral consultations sa mga isyu sa pagkontrol sa pag-export.
Binigyang-diin ng ministry na ang desisyon ay hindi nangangahulugan na babawiin ng South Korea ang reklamo. Sinabi nito kung ang isyu ay hindi umuunlad nang maayos, ang proseso ay maaaring magpatuloy muli.
Nangako ang ministry na itutuloy ang mga pagsisikap upang malutas ang hindi pagkakaunawaan. Sinabi nito na nais ng dalawang bansa na ibalik ang sitwasyon sa kung ano ito bago hinigpitan ng Japan ang mga kontrol sa pag-export noong 2019 sa mga high-tech na materyales sa South Korea.
Nagsampa ng reklamo ang Seoul sa WTO noong 2020 bilang tugon sa hakbang ng Japan, na sinasabing nilabag nito ang international trade rules.
Ang pag-anunsyo ng desisyon ng Seoul na suspindihin ang reklamo nito ay dumating habang ang gobyerno ng South Korea nitong Lunes ay nag-anunsyo ng planong ayusin ang matagal nang isyu nito sa Japan sa wartime labor compensation.
Ang administrasyong pinamumunuan ni Pangulong Yoon Suk-yeol ay naglalayon na mapabuti ang ugnayan sa Japan.