Business

“Soybean Rice” bagong alternatibo pamalit sa kanin

Sumisikat sa ngayon ang isang uri ng produkto na kahawig ng tekstura ng kanin, ang tinatawag nilang ” Soybean Rice”. Sinimulang magbenta ngayon ng isang major food manufacturer na Fujicco ng sinasabi nilang soybean rice.

Ito ay isang uri ng pagkain na gawa sa soybean at pwedeng kainin ng tulad ng sa kanin. Ito ay resulta ng isang masigasig na pananaliksik at pagsusubok, ang high protein na may 85% less sugar rice. Nagkaroon ng kolaborasyon sa pagitan ng isang curry shop na Azabujuban Yakuzen Curry Shinkai at ng Fujicco. Ayon sa may-ari: ” ang sugar ay nasusuppress at ang protein ay naabsorb. Kung kakainin ito, mas mararamadaman niyong mas mabilis kayong mabusogkaysa sa regular na kanin. Dagdag pa rito, nagbebenta rin kami ng 5 uri ng frozen foods na gumagamit ng soybean rice, tulad ng inari sushi at gapao rice. Ang target namin dito ay ang mga taong body conscious at mga taong gustong limitahan ang sugar intake nila.”

https://youtu.be/rv7oPAhpU6M

Source: ANN News

To Top