Spacia X accident kills four workers
By
Posted on
Apat na manggagawa ang nasawi matapos silang mabangga ng limitadong express train na Spacia X habang naglilinis ng mga halaman malapit sa Shin-Kanuma Station sa Tochigi noong Agosto 20.
Bahagi sila ng 10-kataong grupo na nagtatrabaho sa tabi ng riles nang mangyari ang aksidente. Walang pasahero o crew ng tren ang nasugatan.
Ayon sa Tobu Railway, nasunod ang itinakdang safety procedures bago ang insidente, kabilang ang pagkakaroon ng mga bantay. Iniimbestigahan ng kumpanya kung bakit nangyari ang aksidente at nangakong magpapatupad ng mga hakbang upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.
Source / Larawan: Asahi Shimbun
