General

Special Warning: Kumamoto at Kagoshima pinagiingat sa malalakas na pag-ulan at posibleng pagbaha

Naganunsyo ang Kumamoto prefecture at Kagoshima prefecture ng isang babala para sa malalakas na pagulan upang maprotektahan ang mga nasasakupan nito sa kung anuman ang posibleng idulot nito. Isang linear precipitation zone ang naging sanhi ng malalakas na pag-ulan sa lugar na hindi pa nararanasan sa nakaraan. Kung kayo ay residente sa mga lugar na nabanggit, maging handa sa paglikas upang maging ligtas sa anumang posibleng idulot ng mabibigat na pagulan dito. Ang special alert level 5 ay ang pinakamataas na level ng babala at nangangailangan ng akson ng paglikas. Inaasahan na ang pag-ulan sa kyushu ay mas lalakas bandang hapon, nasa 250mm ang inaasahang level ng tubig-ulan sa Tokai at 180mm naman sa Koushin at Kyushu. Mangyaring asahan at maging handa sa posibilidad ng paglikas dulot ng pagbaha, landslides at pag-apaw ng mga ilog sa lugar.

Source: ANN News

To Top