General

Status ng Divorce Bill sa Pilipinas

Marahil marami ang nakakaalam na dito sa Japan, lalo na sa pagitan ng isang Pinoy at Hapon, maaaring mag-file ng divorce. Ngunit kung nanaisin ng isang Pinoy na ikasal muli, kailangan munang dumaan sa annulment sa Pilipinas, isang mahaba at malaking gastusin na proseso, upang mapasawalang-bisa ang kasal upang makapag-asawa muli. Dahil dito, maraming Pilipino sa Japan ang umaasang maipapatupad kaagad ang Divorce Bill sa Pilipinas upang mapabilis at mapadali ang proseso ng kanilang paghihiwalay. Ngunit ano na ba ang status ng Divorce Bill sa Pilipinas?

●Noong July 24, 2017, ay nai-submit sa House of Representatives Committee on Population and Family Relations ang House Bill 6027 na nagpapasatupad ng divorce sa Pilipinas. Ang authors ng bill ay sina House Speaker Pantaleon Alvarez at Albay Representative Edcel Lagman, at iba pa. Ito rin ang bill o panukala na magpapasatupad ng civil na kasal ng same-sex couples.

●Ang House Bill 6027 ay hindi raw divorce per se: Ang dissolution of marriage sa House Bill 6027 ay mabilis. Maaring isang hearing lang ang aabutin sa korte upang mapasawalang-bisa ang kasal. Maliban sa hindi pagkakasunduan ng mag-asawa, “severe and chronic unhappiness” ang basehan ng paghihiwalay sa House Bill 6027. Kung madalas uminom ng alak, magsugal or kumaliwa ang partner ay pwedeng gawing basehan ng paghihiwalay. Kung mapatunayan ang severe and chronic unhappiness, kahit dalawang hearings lang sa korte ay pwedeng nang magawan ng desisyon ang pagihiwaly.

●Ang House Bill 6027 ay hindi rin daw annulment: Hindi katulad ng annulment kung saan ipapasawalang bisa (non-existent on records) ang kasal, ayon sa House Bill 6027, sa dissolution of marriage, nanduon pa rin ang record na pagkakasal. At sa House Bill 6027, kinakailangan din ng praktikal na sistema upang maalagaang mabuti ang mga anak pagkatapos maghiwalay.

●Ang Pilipinas lang at ang Vatican ang natitirang bansa na walang divorce.

●Sa kasalukuyan, pinagsama ang House Bill 6027 at House Bills 116, 1062, 2380 upang maging House Bill 7303: “An Act Instituting Absolute Divorce and Dissolution of Marriage in the Philippines.

●Noong March 14, na-approve ng House of Representative sa second reading ang House Bill 7303, ngunit ito ay kailangan pang pumasa sa 3rd at final reading sa mga susunod na araw.

●Noong March 13, ang Catholic Bishops Conference of the Philippines ay umapila sa mga mamababatas na hayaang magkaroon ng “reasoned debates on the issue.”

●Pagkatapos ma-approve ang House Bill 7303 sa House of Representatives ay dadaan muna ito sa Senate.

●Ngunit ayon sa Senate Majority Leader VIcente Sotto III, ay pag-approve ng divorce bill sa senate ay malabo. Katulad ni Sotto, sina Senators Joel Villanueva, Panfilo Lacson at Francis Escudero ay hindi sumusuporta sa divorce.

Source : Inquirer.net

By: Jean Nakahashi

Status ng Divorce Bill sa Pilipinas
To Top