Straw na gawa sa halaman nais isulong ng Tokyo University of Agriculture
Nais ipalaganap ngayon ang paggamit ng “grass straws” na gawa sa mga eco-friendly plants bilang isang hakbang sa nais isulong ng isang active president ng university student sa Tokyo University of Agriculture ng tinatawag nilang “Deplasticization”. Nagkakahalaga ito ng 400 yen sa bawat isang box na may lamang 20 piraso. Malaking problema ang mga toxic waste mula sa mga plastics lalong lalo na ang mga plastic straw dahil kahit gaano katagal ay hindi ito basta basta nabubulok at nakakapagdulot pa ng hindi maganda sa kalikasan lalong lalo na sa mga maritime animals. Kung kaya’t kaliwa’t kanan ang mga aktibidad na nagsusulong sa pagrerecycle ng mga ito o kaya naman ay mga paraan upang maiwasan ang sobrang paggamit ng mga ito.
Source: ANN NEWS