Business

Strawberries and Cream Cake sa Loob ng Fresh Melon?

Kung hihiwain mo ang prutas gamit ang isang kutsilyo sa kusina, ang makikita mo sa loob ay hindi katulad ng ordinaryong prutas lamang. Isang cake na gumagamit ng isang buong melon, na napakapopular ngayon ang nauuso. Tinatawag nila itong “whole melon cake”. Ang mga strawberry, cream, at spongecake ay nakaayus sa loob ng isang domestic melon. Ang nakaimbento ng naturang kombinasyon ng fresh fruit at cake ay si G. Yuki Kato, isang pastry chef. Nang ibenta ko ito bilang isang menu sa isang restawran ng sushi, ito ay may kakaibang hatak sa mga customers. Ang buong melon cake ay, syempre, hand-made. Pagkatapos tanggalin ang laman ng buong melon, i-sasalansan isa isa ang layers ng mga sangkap. May isa pang prutas ang ginamit bukod sa melon, Ito ay ang “whole pineapple cake” at nagsimulang maibenta mula pa noong nakaraang linggo. Ang loob ay puno ng matamis at maasim na raspberry jelly at coconut blancmange. Bukod dito, sa hinaharap, inaasahang gagawa rin sila ng mga cake na gumagamit ng isang buong orange naman.

Source: ANN NEWS

To Top