News

Strong 5.7 quake hits Kumamoto

Yumanig ang lalawigan ng Kumamoto dahil sa malakas na lindol bandang 2:22 ng madaling-araw noong ika-19. Umabot ang pinakamataas na lakas nito sa antas 5 lower sa panukat ng lindol sa Japan.

Ayon sa Japan Meteorological Agency, nasa rehiyon ng Amakusa-Ashikita ang sentro ng lindol, humigit-kumulang 10 kilometro ang lalim. Tinatayang magnitude 5.7 ang pagyanig. Walang panganib ng tsunami. Naglabas din ng emergency earthquake alert.

Naitala ang pinakamataas na antas sa Kuma, Asagiri, Minamata, Ashikita at Tsunagi. Naramdaman din ang pagyanig sa iba pang bahagi ng Kumamoto at mga karatig na lalawigan sa timog-kanlurang Japan.

Source / Larawan: TBS News
To Top