Earthquake

Strong earthquakes continue to shake southwestern Japan islands

Dalawang malalakas na aftershock ang yumanig sa maliliit na isla ng Akuseki at Kodakara sa kapuluan ng Tokara, prepektura ng Kagoshima sa timog-kanlurang bahagi ng Japan, nitong Miyerkules (Hulyo 2). Ayon sa Japan Meteorological Agency, ang unang lindol na may paunang lakas na magnitude 5.1 ay naitala bandang 4:32 ng umaga, kasunod ng isa pang lindol na may magnitude 5.6 bandang 3:26 ng hapon. Walang naiulat na nasugatan at walang babala ng tsunami na inilabas.

Ang dalawang isla, na may kabuuang populasyon na humigit-kumulang 155 katao, ay nakararanas ng sunod-sunod na aktibidad na seismic mula pa noong Hunyo 21. Mahigit 900 na lindol na naramdaman na ang naitala sa lugar, kabilang na ang isang magnitude 5.3 na lindol noong Lunes na umabot rin sa intensity level 5 (lower) sa Japanese seismic scale na may maximum na level 7.

Ang mga epicenter ng mga lindol ay nasa lalim na 16 km at 1 km, ayon sa pagkakabanggit. Ang intensity level 5 (lower) ay nangangahulugang maraming tao ang natatakot at naghahanap ng bagay na mahahawakan upang hindi matumba.

Ayon kay Ayataka Ebita, isang opisyal ng meteorological agency, hindi pa tiyak kung kailan titigil ang aktibidad ng mga lindol. Pinayuhan niya ang mga residente na maging handa sa paglikas o paghahanap ng mas ligtas na lugar sakaling magkaroon ng mas malakas na lindol.

Source: Kyodo

To Top