Subsidies sagot sa mask shortage, 56Million piraso inaasahang magawa sa loob ng 1 buwan
Dahil sa taas ng demand sa mask nagkukulang ang supply para sa mamamayan ng bansa, kung kaya’t naisip ng Ministry of Economy, Trade and Industry na magbigay ng subsidiya sa mga kumpanya upang mapataas ang mask production tulad ng Sharp. Maaring umabot hanggang 56 Million piraso sa loob ng isang buwan ang katumbas nito. Upang matugunan ang shortage sa mga masks dala ng paglaganap ng new coronavirus sa bansa, ito ang nagtulak upang mapagkasunduan ng METI na bigyan ng subsidiya ang 8 kumpanya kabilang na ang Sharp na maginvest sa mga kagamitan upang lalong madagdagan ang produksyon. Nakatakdang i-install na ngayong buwan sa 8 kumpanya ang mga ito at umpisahan na agad ang paggawa sa loob ng 24 oras araw-araw na nangangahulugang aabot ng 56 milyong piraso ang magagawa sa loob ng 1 buwan. Ang subsidiya ay umaabot sa halagang 30 Milyong yen bawat production line.
https://youtu.be/6CtwMoVQxwU
Source: ANN News