Suga’s cabinet public support rate mula sa publiko, patuloy na bumabagsak
Ang gobyerno at ruling parties ay patuloy na naalarma dahil sa bumabagsak na rating ng Prime Minister Yoshihide Suga’s Cabinet, kasama na ang pagtuligsa ng ibang opisyales sa kanyang pagtugon sa krisis ng pandemyang coronavirus.
Unti unting nababawasan umano ang tiwala ng publiko sa gabinite ng Prime Minister dahil sa sunod sunod na pagtaas ng mga kaso ng covid positives pati na rin ang ilang serye ng money scandals na involve umano ang ilang pulitiko.
Pinaniniwalaan ng karamihan ng miyembro ng Liberal Democratic Party-led ruling camp na ang campaign ng gobyernong Go To subsidy programs ang isa sa mga dahilan kung bakit biglang taas ng mga kaso ng hawahan sa bansa.
Ayon kay LDP Secretary-General Toshihiro Nikai: ” Ang mga resulta ay nakakabahala, kinakailangang ayusin at pagplanuhan mabuti ang mga susunod na hakbang upang hindi patuloy na madismaya ang publiko sa pamumuno ng Prime Minister.” , saad nito sa isang interview nitong lunes lamang.
Dagdag pa ni Natsuo Yamaguchi, leader ng Komeito, ang LDP’s ruling coalition partner sa mga reporter: ” Ang pagbagsak sa rating ay nagsasalamin ng public concerns dahil sa bilis ng pagtaas ng mga malulubhang kaso ng coronavirus patients at pati na ang medical system’s capacities. ”
Malabong ipanalo ng gobyerno ang laban mula sa krisis ng coronavirus kung hindi nito babaguhin o ititigil ang Go To programs kasama na ang Go To Travel campaign na kanilang isinasagawa upang suportahan ang tourism industry, pahayag ng senior LDP lawmaker of the House of Councilors.
Hangga’t patuloy na sinusuportahan ng gobyerno ang pagbibiyahe bilang suporta sa turismo, hindi masisigurado na mapapanatili ang mga hakbang na patuloy na isinusulong upang makaiwas sa pagkalat ng impeksyon tulad ng tamang pagdisinfect at social distancing.
Wala umanong nakikitang plano mula sa gobyerno na ititigil nga nila ito.
Isa ito sa mga dahilan kung bakit patuloy na nawawala at bumababa ang tiwala ng publiko sa gabinet ni Prime Minister Suga, dahil hindi umano masyadong napagtutuunan ng pansin ang talagang problema ng bansa at iyon ay ang krisis ng pandemya.
Source: Japan Today