Ginaganap taun-taon ang 2-day Tohoku Rokkon Festival para magbigay suporta sa pagtayong muli ng bayan ng Tohoku mula sa kalamidad na tinatawag na The Great East Japan Earthquake noong taong 2011. Nagbukas ito noong ika-25 ng Hunyo at inaasahang nasa 170,000 ang dadalo.
Ipinarada sa kalye ng siyudad ang makukulay na “nebuta” lantern floats na sumisimbolo sa Nebuta Festival ng Aomori Prefecture sa darating na Augosto. Sinabayan pa ng pagmartsa at pagwagayway ng mga “kanto” bamboo poles na may mga lanterns na nakikita din sa Akita Kanto Festival.
Kasali din ang mga representante na may 1,300 na miyembro mula sa Moriola Sansa Odori dance ng Iwate Prefecture, ang Yamagata Hanagas Festival ng Yamagata Prefecture, ang Sendai Tanabata Festival ng Miyagi Prefecture at Fukushima Waraji Festival.
Itong kaganapan na ito ay pinangunahan ng Aomori sa loob ng anim na taon at ngayong taon ay ang Sendai. Ayon sa mga opisyal, wala pa silang desisyon kung itutuloy pa nila itong festival na ito sa mga susunod na taon, ngunit handa naman silang samantalahin ang pagkakataon.
SOURCES: ANN NEWS, YOUTUBE, JAPAN BULLET.
#Japinoy #Japinonet