Surprise price hike: telecom operators raise rates
Unti-unting nagtataas ng singil ang mga kompanya ng telekomunikasyon sa Japan dahil sa tumataas na gastos sa operasyon at pasahod. Ang hakbang na ito ay kabaligtaran ng pagbaba ng presyo na itinulak ng pamahalaan mula pa noong 2020.
Bilang katuwiran sa pagtaas ng singil, ipinapakita ng mga kumpanya ang kanilang pamumuhunan sa pagpapabuti ng network at dagdag na serbisyo.
Noong Agosto, tinaasan ng KDDI Corp. ng hanggang 330 yen kada buwan ang presyo ng ilang plano ng kanilang mobile service na au. Ipinagmamalaki rin ng kumpanya ang pagpapalawak ng coverage, kabilang ang mga lugar sa kabundukan, gamit ang integrasyon sa Starlink satellite network ng American SpaceX.
Samantala, naglunsad ang NTT Docomo noong Hunyo ng premium plan na may kasamang libreng access sa sports streaming service na DAZN. Simula Oktubre naman, mag-aalok ang Rakuten Mobile ng package na may kasamang subscription sa U-Next streaming service.
Source: Jiji Press


















