Suspect accused of handing bank details to fraud group
By
Posted on
Arestado sa Japan ang isang 39-anyos na lalaki dahil sa hinalang iligal niyang ipinasa sa iba ang bank card at PIN ng account na nakapangalan sa kanya. Pinaniniwalaang napunta ang mga ito sa isang grupong sangkot sa panloloko na nakabase sa Nagoya.
Ayon sa pulisya, ipinadala ni Koizumi ang card at ang papel na may PIN noong Abril 2022, nang walang lehitimong dahilan. Pinaghihinalaang nagkasundo silang sagutin ng grupo ang utang niya. Inamin niya ang paratang.
Nasakote ng pulisya ng Aichi ang grupo noong 2022 at hinanap si Koizumi matapos siyang bumiyahe patungong Pilipinas.
Source: Nagoya Tv / Larawan: Illustrative Photo
