General

Suspected Child Abuse Victims sa Japan, Tumama sa Pinakamataas na Record noong 2021

Sinabi ng Pulisya sa Japan na ang annual count ng mga suspected child abuse victim sa bansa ay tumama sa pinakamataas na record noong nakaraang taon.

Sinabi ng National Police Agency na 108,059 na batang may edad na 17 o mas bata ang isinangguni sa mga child consultation center bilang pinaghihinalaang biktima ng pang-aabuso noong 2021. Ang bilang ay tumaas ng 1,068 mula sa nakaraang taon.

Natuklasan ng pulisya ang 2,174 na kaso ng pang-aabuso sa bata at nakumpirma ang 2,219 na biktima. Ang parehong mga numero ay mataas din sa record. May kabuuang 54 na bata ang namatay.

Upang maiwasan ang overlooking cases ng pang-aabuso, sinimulan ng ahensya ang pagpapakilala ng isang computer system noong nakaraang taon na pinagsama-sama ang impormasyong iniulat ng mga police officer sa site upang matukoy ang antas ng panganib na nasa isang bata.

Ang sistema ay binubuo ng isang checklist ng 48 item, kabilang ang mga injury at family environment. Awtomatikong sinusuri ang risk sa 4-level scale.

Pinapalakas ng ahensya ang mga effort na ma-detect ang potential domestic abuse habang ang mga tao ay patuloy na nananatili sa bahay dahil sa coronavirus pandemic.

To Top