Suspek sa Pamamaril Sa Dating Prime Minister Abe, Nagdesisyong Umatake Bago Maubusan ng Pera
Sinabi ng Investigative sources na sinabi ng suspek sa fatal shooting kay dating Japanese Prime Minister Abe Shinzo na nagpasya siyang isagawa ang pag-atake bago siya maubusan ng pera.
Inaresto kaagad si Yamagami Tetsuya matapos ang pamamaril kay Abe, na nagbibigay ng campaign speech sa western city ng Nara noong Hulyo 8.
Napag-alaman ng pulisya na may sama ng loob si Yamagami sa Family Federation for World Peace and Unification, na dating kilala bilang Unification Church.
Sinabi niya sa pulisya na ang kanyang ina ay nagbigay ng malalaking donasyon sa relihiyosong grupo, kung saan pinaniniwalaan niyang may malapit na kaugnayan si Abe.
Binanggit ng mga investigative sources si Yamagami na posibleng maubusan siya ng pera sa katapusan ng Hulyo at nagpasyang atakihin ang kanyang target bago mangyari iyon.
Sinabi ng pulisya na ang suspek ay pinaniniwalaang walang income matapos itong huminto sa kanyang trabaho bilang isang pansamantalang forklift operator sa isang kumpanya sa Osaka Prefecture noong unang bahagi ng Hunyo. Si Yamagami ay nagtrabaho sa isa pang kumpanya sa Kyoto Prefecture nang halos isang taon at kalahati, bago huminto noong kalagitnaan ng Mayo.
Sinasabi rin ng mga source na si Yamagami ay may mga utang at overdue na credit card payments na nagkakahalaga ng libu-libong dolyar, posibleng dahil gumastos siya ng maraming pera sa mga homemade gun at gunpowder habang nahaharap sa economic difficulties.