Environment

SUWERTE, BUHAY PA: 11-Katao na Inagos ng Ilog

Hadano, Kanagawa-ken, 11-katao sa naglalaro sa Mizunashi River ang biglang inagos noong August 20. Ayon sa pulis, tumaas ang level ng ilog dahilan sa pagbuhos ng ulan malapit sa ilog.

Ayon din sa pulis, sampung katao ang agad nakaahon nang maiagos sila ng ilog at isa naman babae (40) ay nasagip ng Fire Department. Ligtas lahat ang 11-katao sa panganib.

Karaniwan na ankle-height lamang ang tubig ng ilog ngunit dahil sa pagbuhos ng ulan sa karapit-lugar ay biglang tumaas ang level ng tubig at lumakas ang agos ng ilog.

Source: NHK NEWS AUGUST 20, 2023
https://www3.nhk.or.jp/news/html/20230820/k10014168401000.html

To Top