System Error Triggers Japan’s 9.9 Quake Warning
By
Posted on
Kinansela ng Japan Meteorological Agency (JMA) nitong Biyernes (16) ang maling babala sa lindol matapos tantiyahin ng sistema na magnitude 9.9 ang pagyanig. Naapektuhan ng alerto ang Hokkaido hanggang Chubu at pansamantalang nahinto ang ilang tren.
Magnitude 6.9 ang aktuwal na lindol malapit sa Kamchatka, Russia, sa lalim na 160 kilometro. Intensity 7 ang inaasahan sa sukatan ng Japan, ngunit intensity 1 lamang ang pinakamataas na naitala, sa Hakodate.
Ayon sa JMA, maling pormula at magkaibang episentrong ginamit sa mga kalkulasyon ang sanhi. Awtomatikong inilabas ang babala; hindi ito pagkakamali ng tao o cyberattack.
Naibalik na ang biyahe ng Tokaido Shinkansen sa pagitan ng Shin-Yokohama at Toyohashi.
SOURCE: KYODO / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
