Takoyaki faces crisis in Japan

Ang tradisyunal na pagkaing Hapon na takoyaki, mga bolang pritong may palaman na pugita, ay humaharap sa mga pagbabago dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga sangkap tulad ng pugita, harina, at itlog. Sa rehiyon ng Tokyo, ilang tindahan ang nagsimula nang palitan ang pugita ng sausage upang mapanatiling abot-kaya ang presyo at makaakit ng iba’t ibang uri ng customer, tulad ng mga bata at matatandang may kahirapan sa pagnguya.
Sa kabila ng mga pagbabagong ito, patuloy pa rin ang pagtaas ng presyo. Tumalon ang halaga ng pugita mula ¥277 bawat 100 gramo noong 2014 sa ¥528 ngayong 2024 — mas mahal pa kaysa sa tuna. Direktang naaapektuhan nito ang mga tindahang kalye na kilala sa pagbebenta ng murang takoyaki.
Bilang tugon, maraming mamimili ang nag-aadjust din ng kanilang mga homemade recipe sa pamamagitan ng paggamit ng mga alternatibong sangkap tulad ng keso, kamaboko (masa ng isda), at konjac (isang pagkaing parang gulaman). Ang mga gumagawa ng mga sangkap na ito ay nagsisimulang mamuhunan upang maging epektibong pamalit sa pugita.
Ayon sa mga eksperto at organisasyong tulad ng Japan Konamon Association (na nagsusulong ng pagkaing gawa sa harina), matagal nang may iba’t ibang bersyon ng takoyaki simula pa noong 1930s. Gayunpaman, patuloy ang pagsusumikap na mapanatili ang orihinal na lasa at tradisyon ng takoyaki, kahit na ito ay lumalaganap sa buong mundo at sumasabay sa pagbabago ng panlasa ng mga konsumer.
Source: Mainichi Shimbun
