Culture

Tatak Paskong Pinoy

Tatak Paskong Pinoy

Narito ang ilang tatak Paskong Pinoy na natatangi lamang sa mga Pilipino:

 

Christmas Caroling sa Bahay-Bahay

Kahit anong okasyon pa iyan, maaasahan mong hindi mawawala ang kantahan sa mga Pilipino at siyempre, ang panahon ng Pasko ay di naiiba.

Sino bang hindi maliligayan kapag naririnig na ang mga bata na kumakanta ng “Pasko Na Naman” sa tapat ng iyong bahay? Kahit paulit-ulit mo man silang marinig ng halos gabi-gabi, ang Christmas caroling na ito sa bahay-bahay ay sadyang tatak Paskong Pinoy.

 

Mga Parol

Habang ang buong mundo ay  busy sa pagtatayo ng kanilang Christmas tree at pag-gawa ng snowman, ang mga Pilipino naman ay abala sa pagsasabit ng kanilang  mga makukulay na parol sa bahay, sa paaralan, mga opisina at maging sa mga pampublikong pasyalan at lansangan.Wala ng mas makapagpapatunay sa tatak ng Paskong Pinoy maliban sa orihinal na dekorasyon ng mga Pinoy tuwing Pasko – ang parol na sumasagisag sa bituin sa Bethlehem na gumabay sa tatlong Hari patungo Kay Hesus.

Sa bansang gaya ng Pilipinas, kung saan ang mga okasyon ay pinagdiriwang sa pinaka bonggang paraan, ang mga makukulay at malikhaing dekorasyon sa mga kasiyahang ito ay natatangi at angat sa iba. Pagdating sa kapaskuhan, ang mga parol ang bida sa tahanan ng bawat Pinoy. Sa katunayan, mayroon pa ngang ipinagdiriwang na okasyon sa Pampanga para lamang sa mga parol. Ito ay ang Giant Lantern  Festival.

 

Simbang Gabi at Puto Bumbong at Bibingka Food Trip

Tradisyon ng mga Espanyol ang pagsisimbang gabi na ating namana, kasunod naman nito ang pinakapaboritong kakanin ng mga Pinoy tuwing Pasko – puto bumbong at bibingka.

Kilala ang mga Pinoy bilang mga relihiyosong tao, ito ay ang tanging panahon kung saan di inaalintana ng mga Pinoy ang paggising ng maaga at ating pagtitiis sa lamig ng paliligo tuwing alas-tres ng umaga araw-araw. Pagkatapos nito ay atin ng matitikman ang mga pagkaing sadyang sa Pinas lang matatagpuan. Ikaw, nais mo bang mag-simbang gabi ng 9 na araw?

 

image credit: Flickr

To Top