Tax alert: Japan targets tax evasion by foreign residents

Isinasaalang-alang ng Ministry of Internal Affairs and Communications ng Japan ang pagsisimula ng imbestigasyon hinggil sa pag-iwas sa pagbabayad ng residence tax ng mga dayuhang umaalis ng bansa bago pa man ito mabayaran. Ang buwis na ito, na kinakalkula batay sa kita ng nakaraang taon, ay sinisingil taun-taon simula sa buwan ng Hunyo. Gayunpaman, maraming banyaga ang bumabalik sa kanilang mga bansa bago pa man dumating ang panahong ito, kaya’t nahihirapan ang pamahalaan na makolekta ito.
Tinalakay ang isyu sa pinakahuling sesyon ng Diet (Parlamento), at nagsasagawa na ng panayam ang ministeryo sa mga lokal na pamahalaan upang maunawaan ang mga hamon sa koleksyon. Layunin nitong matukoy ang mga kahinaan ng sistema at magpanukala ng mga hakbang para itama ito, gaya ng paghikayat sa “lump-sum payment” o pagbabayad ng buwis nang maaga, at ang pagtalaga ng isang “tax agent” na siyang may pananagutang magbayad ng buwis sa ngalan ng taxpayer.
Ang kakulangan sa kaalaman tungkol sa sistemang buwis ng Japan ay nakikitang pangunahing sanhi ng hindi pagbabayad. Layunin ng mga awtoridad na tiyakin ang katatagan ng kita mula sa buwis sa buong bansa.
Source: Kyodo
