General

Tax reduction para sa mga alak simula ngayong October

Ang rate ng buwis sa alak ay nagbago mula ngayong araw October 1. Nagbawas ng buwis na 7 yen para sa 350 ML na lata ng beer. Sa kabilang banda, ang buwis sa “Third Beer” ay tataas ng halos 10 yen. Ang “drinking at home” ay maaaring ganap na magbago. Ang mga buwis sa alak na nagbago mula ika-1 dahil sa pagbabago ng batas sa buwis sa alak ay makakatipid ng 7 yen bawat 350 ML na lata. Gayunpaman, habang ang beer ay nagiging mas mura, ang presyo ng pangatlong beer,ay tataas sa 10 yen. Bago ang pagtaas ng buwis noong ika-29 ng nakaraang buwan, may mga nakita kaming bumibili ng maramihan. Ang pagbabago sa buwis sa alak ay magpapatuloy hanggang 2026, anim na taon na ang lumipas, at ang pangwakas na buwis sa beer, low-malt beer, at pangatlong beer ay halos 55 yen bawat 350 ML. Bilang karagdagan, ang sake ay bababa ng 3.5 yen sa buwis samantalang ang wine naman ay may pagtaas ng buwis na 3.5 yen. At sa oras na ito, ang chuhai, na hindi nabago, ay mananatili sa 35 yen. Sa mga gumagawa ng sake, ang mga presyo ay pinalitan alinsunod sa pagbaba ng presyo sa merkado. Maraming mga customer ang ikinatuwa ang balitang ito.

https://youtu.be/ZExDzODjLWQ

Source: ANN NEWS

To Top