Ipinatupad na ng Gobyerno ng japan ang mandatory request para sa TB Test ng mga long-stay visitors mula sa 6 na bansa kabilang na ang pilipinas bago sila pahintulutang bumyahe papasok ng bansa.
Ang bagong visa requirement na ito ay applicable lamang sa bansang Pilipinas, Tsina, Vietnam, Nepal, Indonesia at Myanmar na kung saan ay may matataas na bilang ng kaso ng TB sa mga nabanggit.
Ang requirement na ito ay para lamang sa mga visa holders ng 90 days pataas.
Ang mga aplikante ay icchek kung positibo sa TB sa mga itinalagang Medikal na institution lamang. Pagkatapos saka sila bibigyan ng visa kung maipapasa nila ang mga test na may negatibong resulta.
Napagkasunduan na ipapatupad ito ng Japan Health ministry matapos makipagpulong at sumang-ayon ang 6 na bansa na kung saan ay mataas ang bilang ng kaso ng TB.
Ayon pa sa ministry, nakakabahala ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga foreign national na may kaso ng TB sa japan, samantalang bumaba naman ang bilang ng mga pasyenteng hapon.
May naitala ng 1,338 na kaso ng mga foreigners na positibo sa TB noong 2016 pa lamang.
At karamihan sa mga ito ay pumasok sa bansang japan ng hindi nila alam na sila ay positibo sa TB.
Source:NewsOnJapan