Teacher arrested on suspicion of touching student
By
Posted on
Arestado muli noong ika-20 ang isang 34-anyos na Pilipinong guro ng Ingles dahil sa hinalang paghipo sa dibdib ng isang estudyante sa ibabaw ng damit habang may oral test sa isang paaralan sa Takamatsu, Japan. Ikaapat na beses na siyang inaresto. Nahaharap na rin siya sa paglilitis kaugnay ng kasong seksuwal na pang-aabuso at, ayon sa pulisya, sinabi niyang wala siyang komento.
Ayon sa mga awtoridad, nangyari ito noong Nobyembre 14 ng nakaraang taon, habang nagsasagawa ng indibidwal na pagsusulit sa pagsasalita ng Ingles. Kinasuhan na rin siya ng mga tagausig dahil sa hinalang paghipo sa tatlo pang estudyante sa mga pagsusulit noong Nobyembre 10.
SOURCE: YOMIURI SHIMBUN / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
