Living in Japan

TECHNOLOGY: 100% SELF-SERVICE

Nagbukas na ngayong araw ang isang convenience store na pagmamayari ng NEC na 100% self-service. Lahat ng bibilihin ay sa pamamagitan ng biometric reading lamang.
Ang bagong store na ito na may pangalang “ NEC Smart Shop” ay nasa loob mismo ng building ng NEC at available lamang para sa mga pre-registered employees kung kaya’t awtomatikong magcha-charge din ang mga pinamili sa pamamagitan ng 35pirasong camera at sensors.
Dahil dito di na kailangan pang huminto at tumigil sa harap ng camera na para bang nakapila ka sa immigration section sa airport.
Ang store na ito ay bukas 9 na oras sa 1 araw ng walang surveillance at kasama ang pangakong sa pamamagitan nito ay makakatulong kahit panu na mapigil ang mga nakakahawang sakit na maipasa sa iba at sa kakulangan ng manggagawa sa Japan

Source: ANN news

To Top