Bilang isang bansa na kung saan ay maraming nararanasang natural disasters, ang Tokyo ay laging naghahanda para mapigilan ang paglala ng isang sakuna. Ang mayor ng tokyo ay nanguna sa isang simulation kung saan ay ini-launch nila ang tinatawag nilang “Megahonyaku” isang pinagsamang salita kuha mula sa megaphone at “honyaku” (translation in japanese). Inaasahan na sa magaganap na olympic sa japan ay dadagsa ang mga foreigners at turista kung kaya’t bilang paghahanda nakaisip sila ng isang paraan upang maintindihan ng mga turista ang mga salitang patnubay.
Available sa 3 language translation ang megahonyaku: Mula sa salitang Japanese ay pwede itong maging English, Chinese at Korean.
Source: ANN News
#Japinoy #Japinonet