Technology: Ayon sa pinakalatest na datus, pinagaaralan umano ng bansang Japan ang pag-gamit ng biometrics kapalit ng presentation ng passports at credit cards sa ilang establisyementong gumagamit ng mga ito for identification purposes. Layunin ng ideyang itong mapabilis ang pagasikaso sa mga pangangailangan ng lokal tulad na lamang ng pagcheck in sa hotel. Upang makaiwas na maghintay pa at pumila ng ilang oras para lamang dito ay gagamit ka na lang ng finger prints at sa loob ng ilang minuto ay tapos ang pagche-check in ng sinuman ng wala ng kung anu ano pang dokumentong hahanapin at hassle para na din sa mga customers.
Susubukang ipublic testing ang biometrics sa susunod na buwan sa ilang hotels ng Tokyo at isusunod din ang mga ATM’s upang mapag-aralan ang feedback ng publiko dito. Kasabay ng pag-angat ng ekonomiya ay ang pagsabay na rin ng upgrading sa teknolohiya kung kaya’t naisipan ng mga eksperto ang ganitong ideya.
Source: ANN News
#Japinoy #Japinonet