News

Teddy Boy Locsin napamura sa tanong tungkol sa passport renewal

Nagbabala si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na “papatayin” nito ang sino mang nagre-require ng birth certificate para sa passport renewal.Ito ang pahayag ni Locsin matapos na ang isang netizen ay magtanong kung kailangan pa ba ang birth certificate sa pag-renew ng passport.

“Sir @teddyboyloscin kailangan pa rin po ba ang birth certificate pag nag parenew ng passport? Salamat po,” tweet ng isang netizen.

“Hindi. Putangina. Not for passport renewal. If anyone asks you, tell me who and I will fucking kill him/her,” sagot ni Locsin.

Matatandaang tinanggal na ni Locsin ang birth certificate requirement para sa renewal ng passport sa pamamagitan ng Department Order (DO) 03-2019 na inisyu noong nakaraang buwan.

Ang sakop lamang ng naturang order ay para sa regular renewal ng passports at hindi para sa mga sumusunod na kaso: first time passport applications; renewal applications para sa mga nawalang passport; renewal na nagrerequire na palitan ang ilang impormasyon sa passport; renewal ng lumang brown at green passport kung saan ay walang kumpletong middle name; at mga aplikante na kabilang sa DFA watchlist.

SOURCE: ABANTE TNT

Teddy Boy Locsin napamura sa tanong tungkol sa passport renewal
To Top