Teenager arrested for assaulting mother with cellphone

Isang 14-anyos na batang babae ang inaresto sa Sapporo matapos umanong salakayin ang kanyang ina gamit ang isang cell phone. Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng hapon nang magalit ang dalaga matapos putulin ng kanyang ina ang internet access ng kanyang cell phone. Hinila niya ang buhok ng ina at hinampas ang noo nito gamit ang cellphone.
Tumawag ng pulis ang nakababatang kapatid ng dalaga para i-report ang insidente. Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at naaresto ang suspek. Sa imbestigasyon, inamin ng dalaga ang krimen na kanyang ginawa.
Source: STV News
