Tezuka Osamu
Culture

Tezuka Osamu: Godfather of Japanese Manga

Ang sikat na Japanese manga ay hindi magiging ganap na bahagi ng kulturang Hapon kung hindi ito sinimulan ng isang alamat ng Japanese cartoons o anime. Sino sa inyo ang lumaki sa mga adventures ni Astroboy nung 1980’s? Salamat kay Tezuka Osamu!

Siya ang tanging dahilan kung bakit ang sari-saring manga ay di maawat ang kasikatan magmula ng ito ay unang ipakilala sa Japan at sa buong daigdig. Sa artikulong ito, kilalanin natin si Tezuka Osamu upang ating malaman kung paano niya  lubos na binago ang mga mahahalagang aspeto ng manga.

Tezuka Osamu

Simula ng kanyang pagkabata, si Tezuka ay laging dinadala ng kaniyang ina sa mga pangunahing teatro sa Japan. Isa sa mga ito ay ang Takarazuka Theatre. Dito, unang namulat ang kanyang murang kaisipan at puso sa pagguhit ng mga komiks na may kaugnayan sa kanyang napiling larangan sa malapit na hinaharap.

Osamu from Osamushi

Alam ba ninyo kung saan niya kinuha ang kanyang unique pen name na Osamu? Ito ay halaw mula sa pangalan ng isang kulisap na ang kung tawagin ay Osamushi. Mula noon, siya ay namulat sa kahalagahan ng Japanese manga na sumentro sa pag-aaruga ng bawat tao sa isa’t-isa at sa mundong ating ginagalawan.

Golden Age of Japanese Manga

Nilikha ni Tezuka Osamu ang kanyang manga masterpiece na Diary of Ma-Chan at ang Shin Takarajima. Ang mga ganitong uri ng manga ay lubos na kinagiliwan at tinangkilik ng mga Hapon, kung kaya ito ang tinaguriang “Golden Age of Japanese Manga.”

Godfather of Japanese Manga

Ang Godfather of Japanese Manga ay mahilig manghuli at mangolekta ng mga bugs. Siya ay descendant ng isang tanyag na samurai master na si Hattori Hanzō. Ayon sa kaniyang inspiring biography, siya ay isang Superman fanatic. Bilang pagpupugay sa kanyang nakakatuwang hobby at gawi, si Osamu ay inatasang pamunuan ang Superman Fan Club in Japan. Spiritually, siya ay isang agnostic, kung saan ang pananaw ukol sa Diyos ay laging nagtatanong kung tunay nga ba ito o isang kathang isip lamang.

Cultural Legacies

Noong Pebrero 1989, siya ay maluwalhating pumanaw dahil sa stomach cancer. Ganun pa man, siya ay mananatili sa puso at alaala ng mga Japanese manga lovers sapagkat siya ay ipinagpatayo ng isang magarbong museo. Mayroon ring mga commemorative stamps upang bigyang pugay ang kanyang talento, karunungan at pagkatao na tuwina ay taos pusong nagmamahal sa kanyang  unang pag-ibig. Ang paglikha ng mga Japanese na may malalim na kahulugan tulad ng kanyang buhay at kaluluwa.

 

Image credit: The Japan Times

Tezuka Osamu: Godfather of Japanese Manga
To Top