Thailand: Muli ng magbubukas para sa mga turista sa susunod na buwan
Nagpasya ang gobyerno ng Thailand na mula sa susunod na buwan ay unti-unting ng ipagpapatuloy ang pagtanggap ng mga dayuhang turista, na nauna ng pansamantalang ipinagbawal noong mga nakaraang buwan. Ang gobyerno ng Thai ay magsisimulang maglabas ng mga bagong espesyal na visa ng turista nang hanggang sa 270 araw na pananatili. Kailangan mong mag-apply sa pamamagitan ng isang travel agency, at pagkatapos makapasok, kakailanganin kang ihiwalay sa loob ng 14 na araw sa isang itinalagang pasilidad. Pagkatapos ng isolation, maaari ka ng malayang makalibot at makapaglakbay sa loob ng Thailand, ngunit kinakailangan mong sumailalim sa isang system upang masubaybayan ang iyong patutunguhan at mga pinanggalingan. Sa ngayon, plano nitong tumanggap ng halos nasa 1,200 katao sa isang buwan, at bilang unang hakbang, 150 turistang Tsino ang naka-iskedyul na dumating sa Phuket sa pamamagitan ng charter flight sa ika-8 ng susunod na buwan. Kung ang impeksyon sa bagong coronavirus ay hindi kumalat, isinasaalang-alang ang pagpapalawak ng pagtanggap at pagpapaikli ng panahon ng isolation. Mula sa nakaraang taon, halos 40 milyong mga dayuhang turista ang bumisita sa Thailand bawat taon.
Source: ANN NEWS