Thieves strip shrine roof in Hamamatsu
By
Posted on
Humigit-kumulang 6,000 copper plates mula sa bubong ng Hakusan Shrine sa Hamamatsu, Shizuoka, ang ninakaw noong ika-25 ng nakaraang buwan. Tinatayang mahigit ¥20 milyon ang kabuuang pinsala.
Matatagpuan ang shrine sa lugar na nasa humigit-kumulang 800 metro ang taas at madalang bisitahin, kaya kadalasan itong walang tao. Ayon sa punong pari na si Sana Yosuke, malaking bahagi ng bubong ang tuluyang natanggal at wala pang malinaw na paraan para maibalik ito.
Sinabi rin niya na mahirap pondohan ang restoration dahil sa depopulation ng komunidad. Iniimbestigahan ng pulisya ang insidente bilang theft.
Source / Larawan: SBS
